Ah yes, you read it right. My title says-- TRY ko mag-blog ulet. The last time I posted a blog was with my multiply account. Jurassic ages na nga. Plus, ang time ko ay hindi na kasing luwang dati. I now have two chikitng patrols to take care of.
I am blogging because I wanted Atsy (Mika) and Syoti (Machas) to have something to laugh about when they grow up. At ang dahilan ko sa muling pagsusulat-- para hindi ko makalimutan ang mga kalokohan nila nang maliliit pa sila. Mejo late na nga akong nag-start mag-blog e. I should've started writing when Atsy started talking. Or even younger. Hindi ko na tuloy maalala yung iba. Oh well, di bale. Start nalang ako sa kasalukuyang panahon.
I am happy with what I have right now. Some may be wondering why I am not pushing to get back to the corporate world. It's actually a battle in my head. Malalim na pagi-isip ang ginagawa ko ngayon to come up with a wise and right decision. Yes, kaya kaming buhayin ni Babesh. Pero shempre, may mga oras pa din na enough na enough lang ang money namin. Marami kasing gastusin dito sa bahay kahit na nakiki-share si Mami sa mga bayarin. Hewan ko ba. Pesteng kuryente yan. Hindi na bumaba ng 5k, kahit na di na kame nage- aircon lage. Yun ang isa sa mga pinaka-malaki naming expense right now. I can't say that we had more than enough before when I had work. Kase buhay pa si tatay nun. Lahat ng money namen sa amin lang napupunta dahel si tatay ang sumasagot ng lahat ng household expenses. From the water we were drinking, to the groceries, to the electricity bill.. lahat! Pero kahit na ganun ang situation before, humihingi pa rin ako kay Babesh ng money. Meaning, hindi enough ang sweldo ko para ma-sustain ko ang lifestyle ko. Kaya delikado kung magwo-work ako ulet. Baka instead na makatulong ako sa finances dito sa bahay, eh lalong magkanda-leche leche ang buhay namen. Hahaha!
Asan ang dilemma dun? Hindi ko alam kung saang part ako pwedeng i-blame ng mga kids pagtanda ko. Pag nag-work ako-- bakit hindi ako ang nag-alaga sa kanila when they were younger? Pag nag-stay naman ako to take care of them first hand-- bakit hindi ko man lang tinulungan ang Tatosh nila to have a more comfortable life? Hindi ko talaga alam kung saan ako lulugar.
Babesh has always been supportive to what I wanted to do with my career. He constantly asks me if I wanted to go back to the corporate world, I can freely do so. Ang sagot ko naman sa kanya-- sino ba namang tao ang gustong magtrabaho at may amo? Wala naman diba? Gusto ko lang talaga makatulong sa finances, nang walang nako-compromise. Yung hindi ko mane-neglect ang mga chikiting patrols, plus I'm earning. He said naman-- mag-business na kame. Ang hirap mag-isip ng business na papatok nowadays. Hanggang ngayon pinag-iisipan pa rin namen on what to do. Basta, maiisip din namin yan.
Nakakatuwa na si Atsy. She's such a loving atsy. Ang sweet niya sobra. Kanina, I was to get the broom to sweep the cookie crumbs she literally scattered on the bed. Shempre, hinulog ko muna sa floor then doon ko wawalisin. Tapos umiyak si Syoti. Atsy was currently hiding in the aparador, then she suddenly ran towards Syoti. Kinakausap niya para tumahan. Nakakatuwa talaga. Minsan naman, pag napag-tripan niya, kung anu-anong tinuturo niya kay Syoti. Anjan yung iniintroduce niya si Mickey Mouse, tinuturuan niya ng colors. Nakakatuwa. Sana magtuloy-tuloy na sweet siya sa Syoti niya.
Si Syoti naman, sobrang madalas na mag-smile. Kinakausap lang ni Atsy nagsa-smile na kagad. nakakatuwa.
At kagaya ng na-predict ko, hindi ko na talaga kayang tumapos ng blog ng isang upuan lang. Syoti cried and I needed to feed him (breastfed kase siya).
Here ends my first blog, at kelangan ko pang patulugin si Syoti. :)

No comments:
Post a Comment