 |
| with Hazel Cascano |
Being a college instructor for a school year was a roller coaster ride for me. It was both fun and difficult at the same time. At least ngayon alam ko na kung gaano pala kahirap maging prof. Nung student kase ako, akala ko masarap buhay ng mga prof. Hindi lang pala ganun yun. Magulo, mapulitika and higit sa lahat, magastos.
Nagtataka students ko kung bakit ko daw nasabing magastos. Simple lang, kase mas malaki pa ang gastos ko kesa sa kinikita ko sa pagtuturo. Pero all the difficulties and gastos were all worth it. Sa sandaling nakasama ko ang mga estudyante ko, marami rin akong natutunan sa kanila at sa pagtuturo, and hopefully marami din silang natutunan from me. :)
Isa-isahin naten ang mga lessons learned ko from my teaching.
 |
| paparazzi student taking my pic during an examination |
1. Hinding-hindi mo makukuha ang respeto nila kung tatakutin mo sila. Sa maniwala kayo't sa hindi, marami pa ring terror professors ang naniniwalang ang respeto ng mga estudyante ay makukuha nila sa pagsusungit at pananakot ng mga estudyante. Hindi ganun yun, ang masama dun, hindi mo na nakuha ang respeto nila, isusumbong ka pa nila sa ibang prof. Hahaha! Totoong nangyayari yan, may prof na terror na akala niya mahal na mahal siya ng mga estudyante niya dahil ambabait daw sa klase niya. Ang hindi niya alam, kinukwento sa akin ng mga estudyante niya ang mga kasalbahihan niya. Nakakaawa tuloy ang mga bata, instead of learning from her, wala nang ibang nararamdaman ang mga bata kung hindi ang mabad- trip sa kanya. Nakaka-walang focus tuloy. Kawawa ang mga bata.
2. Huwag magpa-take home exam dahil magko-kopyahan lang sila.
3. Huwag magpa-report dahil hindi sila nakikinig sa reporter.
4. Huwag magpa-group dynamics na "caterpillar" dahil may mga estudyanteng hindi sanay tumakbo at maaaring mabagok. Oo tama ang nabasa niyo. Nagpa-team building activity akong "caterpillar" sa gym. Unfortunately, competitive ang napili nilang "mother" (yung nasa unahan ng pila) at mabilis tumakbo. Ayun, nakaladkad ang buntot (mga estudyanteng nasa likod ng "mother") at tumilapon ang mga estudyanteng hindi sanay sa takbuhan. Ending namin-- ospital. Thank God at hindi kinailangan ng MRI ng bata dahil kung hindi, deaddssss ako sa gastos nun.
5. Huwag magpagawa ng journal dahil dadayain lang din nila ang pagsulat dito.
6. Huwag magpa-exam ng open notes. Unfair daw yun dahil lugi silang mga walang notes.
 |
| buwan ng wika finale- august 2010 |
7. Huwag magpapa-break kung si Ch*****o ang VP ng University. Magagalit siya kahit buntis ka at mamatay ka na sa uhaw. Salbahe talaga ang matandang yun. Oo naman, may poot pa rin ako sa kanya hanggang ngayon at hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa akin. hahaha! Straight 3 hours ang class ko, ang ginawa ko nagpa-break ako ng maaga para dere-derecho na ang lecture namin, tutal naman kailangan kong uminom dahil uhaw na uhaw na ako nun. Plus, nahihilo ako dahil first trimester ko ng pregnancy nun kaya kelangan ko talagang magpa-break at uminom. Aba! nachambahan ng VP ang mga estudyante kong pababa at pinuntahan ako sa classroom. Hindi daw ako dapat kumukuha ng straight 3 hour-class kung hindi ko naman daw pala kaya. Malas niya hindi ako yung tipo lang na oo sa mga sinasabi niya. I answered her with diplomacy naman. I told her-- "Ma'am, 10 minute break lang po ang binigay ko sa mga students ko dahil nahihilo na ako at uhaw na uhaw na ako." Unfortunately, hindi siya ang tipo ng tao na marunong makinig, hindi niya narinig ang mga sinabi ko at hinanap nalang niya ang Dept. head namin. Ok lang dahil sobrang bait at understanding naman ng Dept. Head (itago nalang natin siya sa pangalang Gemma De Guzman. Best Dept. Head ever!) namin at dinedma lang niya ang reklamo ng VP about me. haha
 |
| flipflops galore |
8. Huwag magpa-pedicure kapag may klase pang kasunod. May evening class kase ako nun, eh wala na akong ibang time magpa-pedicure kaya isiningit ko nalang sa vacant. Eh hindi pala quick-dry ang nail polish na nagamit sa akin. Ayun, naka-flipflops akong nag-klase sa gabi. Eto ang evidence. --------->
9. 3F's for a brighter tomorrow. Firm, Fun and Fashionable. Nalaman kong importante pala ang 3F's na to sa pagtuturo.
Firm-- you need to be firm with your words. Always stand by your principles and make sure kaya mo itong panindigan.
Fun-- kahit matapang ka at may prinsipyo, dapat marunong kang bumarkada sa mga estudyante mo. May isang prof na nagsabe- "ayoko sa mga prof na nakikibarkada sa mga estudyante" PAK! tinamaan ako kagad dun. Wala akong nakikitang masama sa pakikipag-barkada sa mga estudyante. Lalo na't kung ito lang ang paraan para ganahan silang pumasok araw-araw sa klase mo, at higit sa lahat, para makinig sila sa mga itinuturo mo. Mas gusto ko namang barkadahin ako ng mga estudyante ko kesa kainisan ako.
Natutunan ko ring kelangan laging hahaluan ng FUN ang lectures. Kase kung hindi, walang maiintindihan ang mga estudyante at ime-memorize lang nila ang tinuro mo.
 |
| spelling bee na yumanig sa PLMar |
Fashionable-- lahat ng tao ay visual, especially ang mga bata. Hindi mo makukuha ang attention nila kung hindi ka mukhang worthy sa oras nila. In short, you have to look good din to be an effective communicator. Same principle ito na natutunan ko sa pagiging medrep. Oo nga naman, sino ba naman ang taong gaganahan makinig sa madungis at mabahong tao? Hindi naman natin gustong iecha-pwera sa lipunan ang mga mababaho, pero this job requires good hygiene and sense of good fashion narin. :) It's my way narin para my students would look forward to see me next meeting. Para aabangan nila kung anong isusuot mo next meeting. ^_^ Another thing is that, your students would somehow feel special, kase pinage-effortan mo ang pagbibihis mo sa pagtuturo sa kanila.
Marami pa akong natutunan. But for now, yaan nalang muna. Matutulog muna ako and will continue another round of my blog tomorrow. Ciao! ♥