Thursday, September 22, 2011

the enlightened naynay

Yes, I was trully enlightened when I spoke to Mami this morning.  I told her about my dilemma of going back or not to the corporate world.  I told her about my fear of getting blamed when they grow up.  The question is-- saang part nila ako pwedeng ma-blame?  Ang sabi ni Mami, hindi na daw maalala ng mga bata na hindi ko natulungan si Tatosh nila sa finances dito sa bahay.  What is more important is being there for them, especially in their formative years.  Mami also told me that "mabilis lang silang lumaki. pag nakalampas na ang time na bata sila, hindi mo na maibabalik yun."  True enough.  Si ashee anlaki na ngayon.  Andami na niyang nasasabi.  At guilty ako sa part na hindi ako first hand sa pag-aalaga sa kanya noon kase I need to go to work everyday.  I'm just lucky na hindi pa huli ang lahat.  Hindi pa mashadong nakalampas ang childhood ni Ashee at ako na ngayon ang nag-aalaga sa kanilang 2 ni Makas.

Only few Moms get the chance to take care of their children first hand, because of the need to go to work.  And I'm one of the lucky ones.  Swerte ko sa asawa ko dahil yun ang gusto niya, at yun ang mas importante sa kanya-- To take care of our children.  As the time flies, isa lang ang masasabi ko-- Parenting is a serious task.  Masaya pero marami pa akong kailangang malaman.  Andami kong questions ngayon, to think 2 years old palang ang eldest namin.  I'm taking baby steps.  Slowly, malalaman ko rin ang mga ibang bagay na hindi ko alam ngayon pagdating sa parenting.  But for now, I'm stopping and smelling the roses. Sa ngayon, maglalaro kame ng mga chikiting patrol ko at iha-hug and kiss ko sila hangga't gusto pa nila.  I know that sooner or later, their awkward stage will come at hindi na sila magpapa-kiss sa akin. hehehe.

Speaking of time spent to your kids, gotta go now to spend my time with them. Ciao! ♥

lessons the teacher learned

with Hazel Cascano
Being a college instructor for a school year was a roller coaster ride for me.  It was both fun and difficult at the same time.  At least ngayon alam ko na kung gaano pala kahirap maging prof.  Nung student kase ako, akala ko masarap buhay ng mga prof.  Hindi lang pala ganun yun.  Magulo, mapulitika and higit sa lahat, magastos.

Nagtataka students ko kung bakit ko daw nasabing magastos.  Simple lang, kase mas malaki pa ang gastos ko kesa sa kinikita ko sa pagtuturo.  Pero all the difficulties and gastos were all worth it.  Sa sandaling nakasama ko ang mga estudyante ko, marami rin akong natutunan sa kanila at sa pagtuturo, and hopefully marami din silang natutunan from me. :)

Isa-isahin naten ang mga lessons learned ko from my teaching.

paparazzi student taking my pic during an examination
1. Hinding-hindi mo makukuha ang respeto nila kung tatakutin mo sila.  Sa maniwala kayo't sa hindi, marami pa ring terror professors ang naniniwalang ang respeto ng mga estudyante ay makukuha nila sa pagsusungit at pananakot ng mga estudyante.  Hindi ganun yun, ang masama dun, hindi mo na nakuha ang respeto nila, isusumbong ka pa nila sa ibang prof. Hahaha! Totoong nangyayari yan, may prof na terror na akala niya mahal na mahal siya ng mga estudyante niya dahil ambabait daw sa klase niya.  Ang hindi niya alam, kinukwento sa akin ng mga estudyante niya ang mga kasalbahihan niya. Nakakaawa tuloy ang mga bata, instead of learning from her, wala nang ibang nararamdaman ang mga bata kung hindi ang mabad- trip sa kanya.  Nakaka-walang focus tuloy.  Kawawa ang mga bata.

2. Huwag magpa-take home exam dahil magko-kopyahan lang sila.

3. Huwag magpa-report dahil hindi sila nakikinig sa reporter.

4. Huwag magpa-group dynamics na "caterpillar" dahil may mga estudyanteng hindi sanay tumakbo at maaaring mabagok.  Oo tama ang nabasa niyo.  Nagpa-team building activity akong "caterpillar" sa gym.  Unfortunately, competitive ang napili nilang "mother" (yung nasa unahan ng pila) at mabilis tumakbo.  Ayun, nakaladkad ang buntot (mga estudyanteng nasa likod ng "mother") at tumilapon ang mga estudyanteng hindi sanay sa takbuhan.  Ending namin-- ospital. Thank God at hindi kinailangan ng MRI ng bata dahil kung hindi, deaddssss ako sa gastos nun.

5. Huwag magpagawa ng journal dahil dadayain lang din nila ang pagsulat dito.

6. Huwag magpa-exam ng open notes.  Unfair daw yun dahil lugi silang mga walang notes.

buwan ng wika finale- august 2010
7.  Huwag magpapa-break kung si Ch*****o ang VP ng University.  Magagalit siya kahit buntis ka at mamatay ka na sa uhaw.  Salbahe talaga ang matandang yun.  Oo naman, may poot pa rin ako sa kanya hanggang ngayon at hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa akin. hahaha!  Straight 3 hours ang class ko, ang ginawa ko nagpa-break ako ng maaga para dere-derecho na ang lecture namin, tutal naman kailangan kong uminom dahil uhaw na uhaw na ako nun.  Plus, nahihilo ako dahil first trimester ko ng pregnancy nun kaya kelangan ko talagang magpa-break at uminom.  Aba! nachambahan ng VP ang mga estudyante kong pababa at pinuntahan ako sa classroom.  Hindi daw ako dapat kumukuha ng straight 3 hour-class kung hindi ko naman daw pala kaya.  Malas niya hindi ako yung tipo lang na oo sa mga sinasabi niya.  I answered her with diplomacy naman.  I told her-- "Ma'am, 10 minute break lang po ang binigay ko sa mga students ko dahil nahihilo na ako at uhaw na uhaw na ako."  Unfortunately, hindi siya ang tipo ng tao na marunong makinig, hindi niya narinig ang mga sinabi ko at hinanap nalang niya ang Dept. head namin.  Ok lang dahil sobrang bait at understanding naman ng Dept. Head (itago nalang natin siya sa pangalang Gemma De Guzman.  Best Dept. Head ever!) namin at dinedma lang niya ang reklamo ng VP about me. haha
flipflops galore

8.  Huwag magpa-pedicure kapag may klase pang kasunod.  May evening class kase ako nun, eh wala na akong ibang time magpa-pedicure kaya isiningit ko nalang sa vacant.  Eh hindi pala quick-dry ang nail polish na nagamit sa akin.  Ayun, naka-flipflops akong nag-klase sa gabi.  Eto ang evidence. --------->

9.  3F's for a brighter tomorrow. Firm, Fun and Fashionable.  Nalaman kong importante pala ang 3F's na to sa pagtuturo.

Firm-- you need to be firm with your words.  Always stand by your principles and make sure kaya mo itong panindigan.

Fun-- kahit matapang ka at may prinsipyo, dapat marunong kang bumarkada sa mga estudyante mo.  May isang prof na nagsabe- "ayoko sa mga prof na nakikibarkada sa mga estudyante" PAK! tinamaan ako kagad dun.  Wala akong nakikitang masama sa pakikipag-barkada sa mga estudyante.  Lalo na't kung ito lang ang paraan para ganahan silang pumasok araw-araw sa klase mo, at higit sa lahat, para makinig sila sa mga itinuturo mo.  Mas gusto ko namang barkadahin ako ng mga estudyante ko kesa kainisan ako.

Natutunan ko ring kelangan laging hahaluan ng FUN ang lectures.  Kase kung hindi, walang maiintindihan ang mga estudyante at ime-memorize lang nila ang tinuro mo.

spelling bee na yumanig sa PLMar
Fashionable-- lahat ng tao ay visual, especially ang mga bata.  Hindi mo makukuha ang attention nila kung hindi ka mukhang worthy sa oras nila.  In short, you have to look good din to be an effective communicator.  Same principle ito na natutunan ko sa pagiging medrep. Oo nga naman, sino ba naman ang taong gaganahan makinig sa madungis at mabahong tao?  Hindi naman natin gustong iecha-pwera sa lipunan ang mga mababaho, pero this job requires good hygiene and sense of good fashion narin. :)  It's my way narin para my students would look forward to see me next meeting.  Para aabangan nila kung anong isusuot mo next meeting. ^_^  Another thing is that, your students would somehow feel special, kase pinage-effortan mo ang pagbibihis mo sa pagtuturo sa kanila.

Marami pa akong natutunan.  But for now, yaan nalang muna.  Matutulog muna ako and will continue another round of my blog tomorrow. Ciao! ♥

Wednesday, September 21, 2011

rugrats' diaries entry #1

Dami nang kalokohan ng mga bulilit especially si Atsy. At bago ko makalimutan ang mga ito, kailangang mai-blog ko na sha.  


In the future, Atsy and Syoti will be reading this.  They'd be wondering why I didn't write my blogs in straight English.  Isa lang ang sagot diyan, mas magaling kase magsulat in English si Tatosh kesa sa akin.   Kaya ayoko magsulat in straight English.  Baka okrayin ni Tatosh e. hehe. Surprisingly, I graduated with a degree in Mass Comm, while Tatosh graduated with a degree in MIS (Management and Information System), pero mas magaling ako sa computers, gadgets and gizmos kesa sa kanya.  At si Tatosh naman, writes better than me.  Galing diba?  Yan ang tinatawag na compatible. hahaha!


Let me start the rugrats' diaries.


1.) ashee and i taking a bath.  ashee fills the tabo with water and lifts it from the higanteng pail.
ashee: eets too hebee. (it's too heavy.)


2.) ashee sits on my lap while browsing the internet.
ashee: kyoos me baby boooy. kyooos me. (excuse me baby boy, excuse) <tinatamaan kase ng tuhod niya ang toes ni Syoti>
naynay: let me move Makas. (I moved Syoti sa hindi namin siya matatamaan. Sa mejo likod ko.)
ashee: naynay, akot Makas. (naynay, natatakot si Makas)
naynay: oh ok, i'll move him closer. (I moved him back a little farther lang pero dun sa una niyang pwesto- beside us.)
ashee took my hand, I thought magpapa-hug.  Gawain niya kase yun, she'll get your hand para magpa-hug.  When she took my hand, she placed it on Syoti's back.  She did this 3 times.  Super sweet talaga. ♥


3.) While eating, Ashee placed her mutilated cookie on the plate then took the bag of chicharon and went to the sala to "fold na tayo" the clothes.
After pseudo folding the clothes, she went back to the dining area and looked for her tirang cookie (which was apparently eaten by his tatosh already).
ashee: naynay, where did go? cookie? (where did it go? the cookie?)
naynay: (laughing) i don't know, ask your tatosh.
ashee: oh no.. tatosh, where did go? cookie? ah! (asks her tatosh to open his mouth)
tatosh: ahhh (opens his mouth with cookie crumbs na tira)
ashee: oh no.. where did go... 
hahaha!


Yan muna for now dahil tinatawag na ako ni Syoti. :) Ciao! ♥

Wednesday, September 7, 2011

try ko mag-blog ulit

Ah yes, you read it right.  My title says-- TRY ko mag-blog ulet.  The last time I posted a blog was with my multiply account.  Jurassic ages na nga.  Plus, ang time ko ay hindi na kasing luwang dati.   I now have two chikitng patrols to take care of.


I am blogging because I wanted Atsy (Mika) and Syoti (Machas) to have something to laugh about when they grow up.  At ang dahilan ko sa muling pagsusulat--  para hindi ko makalimutan ang mga kalokohan nila nang maliliit pa sila.  Mejo late na nga akong nag-start mag-blog e. I should've started writing when Atsy started talking. Or even younger.  Hindi ko na tuloy maalala yung iba.  Oh well, di bale. Start nalang ako sa kasalukuyang panahon.


I am happy with what I have right now.  Some may be wondering why I am not pushing to get back to the corporate world.  It's actually a battle in my head.  Malalim na pagi-isip ang ginagawa ko ngayon to come up with a wise and right decision.  Yes, kaya kaming buhayin ni Babesh.  Pero shempre, may mga oras pa din  na enough na enough lang ang money namin.  Marami kasing gastusin dito sa bahay kahit na nakiki-share si Mami sa mga bayarin.  Hewan ko ba.  Pesteng kuryente yan.  Hindi na bumaba ng 5k, kahit na di na kame nage- aircon lage.  Yun ang isa sa mga pinaka-malaki naming expense right now.  I can't say that we had more than enough before when I had work.  Kase buhay pa si tatay nun.  Lahat ng money namen sa amin lang napupunta dahel si tatay ang sumasagot ng lahat ng household expenses.  From the water we were drinking, to the groceries, to the electricity bill.. lahat!  Pero kahit na ganun ang situation before, humihingi pa rin ako kay Babesh ng money.  Meaning, hindi enough ang sweldo ko para ma-sustain ko ang lifestyle ko.  Kaya delikado kung magwo-work ako ulet.  Baka instead na makatulong ako sa finances dito sa bahay, eh lalong magkanda-leche leche ang buhay namen. Hahaha!


Asan ang dilemma dun?  Hindi ko alam kung saang part ako pwedeng i-blame ng mga kids pagtanda ko.  Pag nag-work ako-- bakit hindi ako ang nag-alaga sa kanila when they were younger?  Pag nag-stay naman ako to take care of them first hand-- bakit hindi ko man lang tinulungan ang Tatosh nila to have a more comfortable life?  Hindi ko talaga alam kung saan ako lulugar.


Babesh has always been supportive to what I wanted to do with my career.  He constantly asks me if I wanted to go back to the corporate world, I can freely do so.  Ang sagot ko naman sa kanya-- sino ba namang tao ang gustong magtrabaho at may amo?   Wala naman diba?  Gusto ko lang talaga makatulong sa finances, nang walang nako-compromise.  Yung hindi ko mane-neglect ang mga chikiting patrols, plus I'm earning.  He said naman-- mag-business na kame.  Ang hirap mag-isip ng business na papatok nowadays.  Hanggang ngayon pinag-iisipan pa rin namen on what to do.  Basta, maiisip din namin yan.


Nakakatuwa na si Atsy.  She's such a loving atsy.  Ang sweet niya sobra.  Kanina, I was to get the broom to sweep the cookie crumbs she literally scattered on the bed.  Shempre, hinulog ko muna sa floor then doon ko wawalisin.  Tapos umiyak si Syoti.  Atsy was currently hiding in the aparador, then she suddenly ran towards Syoti.  Kinakausap niya para tumahan.  Nakakatuwa talaga.  Minsan naman, pag napag-tripan niya, kung anu-anong tinuturo niya kay Syoti.  Anjan yung iniintroduce niya si Mickey Mouse, tinuturuan niya ng colors.  Nakakatuwa.  Sana magtuloy-tuloy na sweet siya sa Syoti niya.


Si Syoti naman, sobrang madalas na mag-smile.  Kinakausap lang ni Atsy nagsa-smile na kagad. nakakatuwa.


At kagaya ng na-predict ko, hindi ko na talaga kayang tumapos ng blog ng isang upuan lang.  Syoti cried and I needed to feed him (breastfed kase siya).


Here ends my first blog, at kelangan ko pang patulugin si Syoti. :)